Ilang eksperto – naniniwalang ‘di pa dapat mag-panic sa ngayon sa sitawasyon ng mpox

Naniniwala si infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na hindi pa dapat mag-panic ang mga Pilipino para sa mga naitalang outbreak ng monkeypox, ‘o ‘yung mpox sa ibang bansa.

Kasunod ito ng outbreak sa Africa, dahilan para muling mag-declare ang WHO ng global health emergency.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Sabi ni Solante – nakikita naman niyang tama ng approach dito ng Department of Health (DOH), partikular na ang pagpapalakas ng kanilang surveillance.

Pinasisiguro rin niyang mayroong sapat na contact tracing ang Kagawaran.

Sa ngayon, ang mahalaga umano ay mapataas pa ang awareness ng publiko laban sa sakit.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Bago ito – una nang nilinaw ng DOH na nananatili pa rin siya siyam ang confirmed cases ng monkeypox sa bansa.

Pinabulaanan na rin nitong mpox ang dahilan ng pagkamatay ng isang pasyente sa Cebu noong Hunyo.
#