Maynila, kabilang sa mga lungsod na may world record sa kaso ng leptospirosis, ayon sa DOH

Inihayag ng Department of Health na kabilang ang Maynila sa mga lungsod sa mundo na may pinaka-mataas na kaso ng leptospirosis.

Sa Malacañang insider program, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na ang Mumbai sa India at lungsod ng Maynila ang may world record numbers pagdating sa leptospirosis.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Sa Mumbai raw kasi ay meron silang rat temple, at hindi pinapatay ang daga dahil ikinokonsidera nila itong sacred.

Pero sa Maynila, kaya pa raw namang resolbahin dahil pwede ang rodent control.

Kaugnay dito, iginiit ni Herbosa na kung maipagpapatuloy ang solid waste management at mapapanatiling mababa ang populasyon ng mga daga, maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis matapos ang mga pagbaha.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nabatid na nakapagtala na ang DOH ng mahigit 2,100 na kaso ng leptospirosis ngayong taon, kung saan sumipa ang kaso nito kasunod ng mga pagbahang idinulot ng bagyong Carina at Habagat.
#