Umabot na sa 149,300 ang outbound passengers at 141,036 ang inbound passengers ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) sa lahat ng pantalan sa bansa.
Mula pa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 5, 2024, inilagay ng PCG ang mga district, station, at sub-station nito sa heightened alert upang pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero.
Kaugnay nito, lumampas naman sa 27,000 ngayong araw ang pasahero sa mga pantalan kung saan mula pa kagabi ay nakapagtala na ng 13,573 outbound at 14,036 inbound passengers.
Sa kasalukuyan, nag-deploy ang PCG ng 3,894 frontline personnel sa 15 Coast Guard districts na nagsuri ng 202 vessels at 120 motorbancas upang masiguro ang kaligtasan ng biyahe.
Patuloy naman nagpapaalala ang PCG sa publiko na makipag-ugnayan sa kanila para sa anumang katanungan.