Patuloy pa ring nakararanas ng malakas na pag-ulan ang nalalabing bahagi ng Cagayan dulot ng hanging habagat at bagyong Carina.

Tuloy-tuloy din ang monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office at mga tauhan ng pamahalaan sa mga ilang bayan nasa mababang lugar.
Dulot pa rin ng naturang kalamidad, ilang mga sasakyan naman ang tila nahihirapan makatawid dahil sa mataas na lebel ng tubig sa ilang barangay at ilang bahay din ang pinasok ng tubig at tuluyang napinsala.
Umapaw na rin ang ilog na nagdulot ng pagkasira sa ilang mga tulay at nadamay din ang ilang produktong agrikultura. (BRIGADA NEWS INTERN JOEL RICALDE)