Ilang lugar sa NCR lubog sa baha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Carina at habagat

Patuloy pa ring nakakaranas ng matinding pag-ulan at pag-baha ang ilang bahagi ng Metro Manila dahil sa epekto ng habagat at bagyong Carina.

Sa Tondo, halos 30 bahay sa Isla Puting Bato ang winasak ng alon at ilan sa mga apektadong residente ang nasaktan dahil sa mga gumuho nilang bahay.

Ang ilang lugar naman ng Valenzuela City at Paranaque City umabot na hanggang sa gutter ang taas ng tubig.

May mga barangay din na naapektuhan ng baha tulad ng Barangay Plainview, Hulo, Hagdan Bato Libis, Namayan, Old Zaniga, at New Zaniga sa Mandaluyong City.

Sa kasalukuyan, suspendido ang klase sa mga pribadong paaralan sa lungsod ng Maynila, habang inuutos din ng Malacañang ang pansamantalang pag-suspende ng trabaho sa mga opisina ng pamahalaan dahil sa masamang panahon.

Patuloy ang pagbabantay at pag-iingat sa posibleng pagtaas pa ng baha sa Metro Manila. (BRIGADA NEWS INTERN KHEN ALIX)