Asong si Wild Thang, tinaguriang World Ugliest Dog 

Nasungkit ng asong si Wild Thang, isang Pekingese ang pagkapanalo sa taunang World’s Ugliest Dog contest at nag-uwi ng  $5,000 kasama ang kanyang owner na si Ann Lewis.

Beterano na umano sa kompetisyon si Wild Thang, na pang anim na beses nang sumali bago pa ito tuluyang nagwagi.

Tuta pa lamang ang aso, nang magkaroon siya ng virus na muntik niyang ikamatay, kaya ganito na lamang ang kaniyang hitsura.

Ayon naman sa organisasyon ng programa, layunin ng pagligasahan na ipagdiwang ang mga karakter ng bawat aso at patunayan sa kasabihang “Beauty is in the eye of the beholder. (BRIGADA NEWS INTERN JESSA QUIROZ)