CAMARINES SUR – Naibalik na ang supply ng tubig sa ilang barangay ng Sagñay, Camarines Sur, matapos ang water interruption dahil sa nagpapatuloy at pagpapabuti sa water source o ang installation ng anim na units ng pressure reducing valves sa bayan.
Kung saan sa panayam kay Mayor Jovi Fuentebella, halos tumagal ng ilang oras at gabi na naibalik dahil sa nahirapan ang mga tauhan ng Partido Water Supply System na ilan sa mga residente nagrereklamo na lalo na ang barangay Del Carmen, San Antonio, San Isidro, Nato, Santo Niño, San Roque, Buracan na apektado ng nasabing installation.
Layunin nitong maayos at maging tama lamang ang water pressure na tumalabas sa mga pipe lalo na’t kapag nasusubrahan pumuputok, ang maiwasan din na mahalo ang tubig ulan lalo na kung sobrang lakas, at ang bigyan din ng sapat na tubig ang ilang area lalo na ang mga nasa kabundukan.