LEGAZPI CITY – Patuloy pang nadadagdagan ang gintong medalya ng Bicol Region para sa Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City ayon sa Medal Tally Reporting System Partial and Unofficial Results.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 13 golds, parehong mayroong 12 silver at bronze ang nasabing rehiyon.
Nangunguna pa rin ang National Capital Region na may 61 golds, 47 silver at 56 bronze, sinundan ito ng Region 4A Calabarzon, 43 Golds, 32 silver, 36 bronze, pumangatlo ang Region 6 o Western Visayas, 39 Gold, 28 silver, 31 bronze, pang apat ang Region 11 o Davao Region 24 golds, 18 silver 21 bronze, at ang ika lima ay ang Region 7 o Central Visayan host ng Palaro 22 gold, 34 silver at 23 bronze.