Ikatlong yugto ng Oplan Baklas ng Comelec-Olongapo, isasagawa sa huling linggo ng Abril

Isasagawang uli ng Comelec ang ikatlong beses na Oplan Baklas sa lungsod ng Olongapo.

Ito ay para tanggalin ang mga posters, tarpaulin at iba pang mga election paraphernalia na nakakabit sa mga non-designated posting areas.

Ayon sa Comelec-Olongapo, ang panibagong Oplan Baklas ay gagawin sa huling linggo ng Abril at nakasentro ang aktibidad sa mga barangay na marami ang nagkalat na posters na wala sa itinatakdang tamang lugar.

Matatandaan, na ang huling Oplan Baklas ay noong Abril 6 at mahigit 600 posters, tarpaulin at election materials ang nasampolan ng komisyon. //Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *