Ikalima sa listahan ng Municipal Most Wanted sa bayan ng Vinzons, arestado

CAMARINES NORTE- Isang 30 anyos na lalake at ika lima (5) sa listahan ng Municipal Most Wanted sa bayan ng Vinzons ang naaresto ng kapulisan ng Vinzons MPS nitong Enero 7, 2022 bandang alas 9:00 ng umaga sa Purok- 1, Barangay Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Ang akusado ay nakilalang si alyas “NONOY”, 30 anyos na magsasaka at residente ng Purok- 1, Barangay Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Si Nonoy ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Evan D Dizon, Presiding Judge ng Regional Trial Court-Branch 40, Daet, Camarines Norte para sa kasong paglabag sa Section 5 (b) ng RA 9262 (“Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004”.), na may petsang May 27, 2019 at may piyansa na nagkakahalaga ng Pitumpu’t Dalawang Libong Piso (Php.72,000.00).

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon sa ulat, naganap ang insidente ng karahasan noong Abril 17, 2019 sa P-1, Brgy.Calangcawan Norte, Vinzons, Camarines Norte.

Habang nakainom umano si NONOY ay pinagsusuntok at pinagsisipa niya ang kanyang kinakasama at pagkatapos ay pinagbantaan ito na papatayin.

Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Vinzons MPS para sa kaukulang disposisyon.