Mahigit P900K na halaga ng donasyon ng PNP-Bicol sa mga kapulisan na biktima ng bagyong Odette sa Leyte, naipaabot na

BNFM BICOL- Tinatayang nasa P989,500.00 na halaga ng tseke mula donasyon ng mga kapulisan sa Bicol Region ang ipinaabot ng PNP Bicol sa Police Regional Office 8 bilang supporta sa mga kapwa nitong pulis na biktima ng Bagyong Odette sa Leyte.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News FM Bicol, mismong si PNP-Bicol Regional Director Jonnel Estomo ang naghatid ng nalikom na halaga patungong Palo sa nasabing lalawigan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Bukod rito, nagbibit rin ng relief goods ang nasabing tropa ng pamahalaan mula sa ibat ibang istasyon ng pulisya sa rehiyon kasabay ng aabot sa 500 food packs mula sa Department of Social Welfare and Development Office o DSWD Bicol.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Paraan naman umano ito ng mga pulis upang ipakita ang suporta at pagdamay sa kapwa pulis matapos ang matinding pinsala ng Bagyong Odette sa kabisayaan nitong buwan ng Disyembre.###