Simula bukas ay kasado na ang bagong round ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Sa abiso ng oil companies, magtataas ng P1.75 ang kada litro ng diesel.
Mayroon ding umento na P1.40 sa kada litro ng gasolina; at P1.05 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikalawang linggong sunod na price hike sa oil products.