Regional Director ng PRO-3, iniimbestigahan na rin kasunod ng pagkaka-raid ng dalawang POGO sa kanyang AOR

Iniimbestigahan na rin ang Regional Director ng Police Regional Office 3 o Central Luzon.

Ang PRO 3 Director ay si BGen. Jose Hidalgo Jr.

Ito’y kaugnay ng magkasunod na pagkakadiskubre ng dalawang illegal POGO operation sa kanyang area of responsibility.

Una ay sa Bamban sa Tarlac at ang kamakailan lamang na raid sa POGo Hub sa Porac, Pampanga.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Nabatid na bago nito, inalis na sa pwesto ang halos lahat ng mga pulis sa Bamban Municipal Police Station sa Tarlac habang inalis din sa pwesto ang Hepe ng Pampanga Police Provincial Office.

Paliwanag ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ayaw namang nyang sabihing may protektor na pulis sa iligal na POGO, pero nais nyang malaman kung bakit may mga krimen na hindi nare-report sa hurisdiksyon ng mga Hepe tulad na lang ng mga patay na katawan na biglang natatagpuan.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Samantala, sinegundahan naman ni CIDG Director Police Mgen Leo Francisco ang posibilidad na may koneksyon ang POGO sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac.

Inaaral na umano nila ang mga dokumentong hawak nila para mapagtibay ang koneksyon ng 2 POGO.