DepEd – kinundena ang pananambang sa isang teacher sa Zamboanga del Sur

Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang ginawang pang-a-ambush sa isang public school teacher sa Mahayag, Zamboanga del Sur noong Huwebes.

Sa isang pahayag, tinuligsa ng DepEd ang ‘act of violence’ laban sa nasabing guro.

Kaugnay nito, umapela ang ahensya ng mas maigting na hakbang para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga teachers at ng buong komunidad.

Nanawagan din ito sa mga pulis para sa agarang pagkahuli sa suspek.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay ang ahensya sa naiwang pamilya ng biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *