Magiging highlight sa Kasanggayahan Festival 2023 ang ika-454th anniversary ang ‘First Mass in Luzon’ na taunang ginaganap sa bayan ng Magallanes at ika-127th Founding anniversary ng lalawigan.
Sa ngayon ay puspusan na ang ginagawang paghahanda ng PLGU sa papalapit na festival sa Oktubre 8 hanggang 17.
Ayon kay Tourism Operations Officer na si Bobby Gigantone, makulay ang kanilang ginagawang paghahanda lalo na at halos dalawang taon na walang pormal na selebrasyon dito dahil sa pandemya.
Ang selebrasyon ngayong taon ay itinuturing ng PTCAO na isang ‘recovery program’ sa ekonomiya at turismo ng lalawigan.
Ayon pa sa opisyal, umaasa sila sa panunumbalik ng dating sigla ng turismo kung kaya’t target nilang maabot ang 1M tourist arrivals sa pagdiriwang ng Kasanggayahan festival.
Matatandaan na sa unang bahagi ng kasalukuyang taon, ang lalawigan ay nakapagtala na ng nasa 950K tourist arrivals.
Ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga Sorsoganon ang mga bigating celebrities na magtatanghal kabilang ang ‘unkabogable’ na si Vice Ganda na siyang magbibigay kulay sa grand opening ng Kasanggayahan Festival 2023.
