Hinimok ng infectious disease expert ang publiko na huwag maging kampante, dahil sa nananatiling mataas na utilization rate ng intensive care units (ICU) sa mga ospital sa kabila na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, ang fresh infections ay mula sa 7,000 hanggang 8,000 na masasabing hindi magandang bilang.
Umapela rin ito sa publiko na mas maging maingat sa harap ng dahan-dahan nang pagbubukas ng gobyerno sa ekonomiya matapos na isailalim ang Metro Manila sa Alert Level 3 mula October 16-31.

Sa San Lazaro Hospital, sinabi ni Solante na bumaba ang occupancy rate sa COVID-19 ward beds ng 40%, habang bumaba rin ang pag-gamit ng ICU. //MHEL PACIA-TRINIDAD