ICC prosecutor, na-preserba ang pruweba sa Duterte drug war ayon sa HRW

Naniniwala ang isang opisyal ng Human Rights Watch (HRW) na nagawa ni retired International Criminal Court prosecutor Fatou Bensouda na magawa ang mga kinakailangan na hakbang para mapreserba ang ebidensya kaugnay sa crimes against humanity na inihain laban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos i-request ni Bensouda sa ICC na magsagawa ng full-blown investigation sa mga patayan sa ilalim ng drug war.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Ayon kay Param-Preet Singh, associate Director ng Intnernational Justice Program ng HRW, na nanatiling confidential ang ilang detalye ng mga pruweba na nakalap mula sa drug war ng gobyerno ngunit malinaw na naging maingat ang prosecutor sa paghawak nito.

Inaasahan na ni Singh na magsisilbing hamon ang case build-up, at pag-establish ng ebidensya at credible cases sa labas ng mga komunidad.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Pero sinabi ng HRW official na pwedeng madala ang mga biktima sa labas ng Pilipinas para sila ay makapagbigay ng ebidensya.

Samantala, nilinaw naman ni Bensouda na kahit kumalas ang Pilipinas sa ICC na naging epektibo noong March 17, 2019, ay may hurisdiksyon pa rin ang international court sa mga krimen na nagawa o nangyari sa isang bansa sa panahon na nagsisilbi ito bilang State Party sa Rome Statute.