PRRD pabor na hindi na obligahin ang publiko na magsuot ng faceshield – Sotto

Kinumpirma ni Senate President Vicente Tito Sotto na balak umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatanggal na ang paggamit ng faceshield kapag lumalabas sa kanilang bahay ang mga mamamayan.

Ayon kay Sotto nasa Malakanyang siya kagabi kasama ang ilang senador upang pag-usapan ang ilang mamahalagang bagay kasama ang Pangulo.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Kwento ni Sotto hawak niya ang kanyang faceshield nG masita siya ni Pangulong Duterte at sinabing sagabal lamang ito sa kanilang pag-uusap.

Dito na sinabi ng Senate President sa Pangulo na tanging Pilipinas lamang ang bansa na nagre-require sa publiko na magsuot ng faceshield sa labas.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Tugon naman ni Pangulong Duterte ipag-uutos na niya kay Health Sec. Francisco Duque na ipatigil na ang pagsusuot ng face shield maliban sa mga pumapasok at nagtratrabaho sa mga ospital.