Bilang ng kumuha ng LOE at Travel Pass sa Albay mahigit na sa 3K

LEGAZPI CITY – Pumalo na sa 3, 333 ang kabuuhang bilang ng mga kumukuha ng Letter of Excemption (LOE) at Travel Pass of Authority  sa Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO).

Base sa tala ng nasabing opisina, aabot sa 2, 198 ang kumuha ng LOE at 1, 135 naman ang kumuha ng travel pass.

Ayon kay Roselyn Dineros, Information and Training Officer III ng APSEMO, simula ng ipatupad ng Gobernador ang paghihigpit sa border checkpoint ay marami na ang kumukuha ng nasabing mga permit.

Umaabot sa mahigit 100 individual na katao ang kumukuha ng mga permit sa unang bugso ng implementasyon noong Agosto 5 2021.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, dahil sa mayroong panibagong executive order No 27 ang Gobernador ay kokonti na lang ang kumukuha nito kung saan ay umaabot na lang ito ng 30 hanggang 50 na katao ang kumukuha ng LOE at Travel Pass of Authority.

Hindi pa kasama sa nasabing bilang ang magrerenew ng permit dahil sa patuloy din naman ito sa pagrenew bawat 15 araw.

Nilinaw ng opisyal, tanging binibigyan lamang ng permit ay ang Authorized Persons Outside Residence (APOR) at nasa listahan ng Inter Agency Task Force (IATF).

Ang LOE at Travel Pass of Authority ay ginagamit lamang ito ay lalabas ng Albay area na kung saan tutungo ito ng Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, Catanduanes at Camarines Norte.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dagdag pa nito, sakaling lumabas ng Bicol area ay hindi na nito kailangan ng LOE at traveL pass dahil ang kailangan ng mga ito para makapasok muli sa border checkpoint ay negative result tulad ng RT PCR test, saliva test at iba pa.

Layunin lamang nito ay mapigilan ang pagdami ng sakit ng covid 19 at panibagong variants na pumapasok sa Bicol Area at higit sa lahat umano ay makontrol o mapigilan ang labas pasok ng mga tao na mula sa Metro Manila o outside Bicol Region.