Arestado ng mga otoridad sa Zambales ang apat katao dahil sa iligal na carpooling.
Ayon kay Zambales PNP Director Pcol. Romano Cardiňo, naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng entrapment operation kahapon sa Subic Border Checkpoint.
Kinabibilangan aniya ito ng dalawang van, isang SUV at isang kotse kung saan ang dalawang suspek ay taga-Zambales habang dalawa naman ay mula sa ibang lugar.
Maliban sa arestado ang mga suspek, naka-impound rin ang mga sasakyan kung saan nasa dalawang daang libong piso umano ang multa.
Babala ng director, magsilbing leksyon na ito sa mga nagbabalak pa na gumawa ng iligal carpooling lalo na ngayon nasa pandemya dahil posibleng pagmulan ng mas maraming virus transmission.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
