NAGA CITY – Nangangamba ngayon ang ilang mga opisyal ng barangay sa Naga City na baka hindi mangyari ang inaasam-asam na pag face-to-face sa mga pampublikong paaralan ngayong susunod na school year.
Ito’y dahil sa pagkakaroon na namang kaso ng COVID-19 sa ilang mga lugar sa lungsod.
Kahapon sa mismong post sa facebook account ng City Government may limang mga bagong kaso na kinabibilangan ng isang limang taong gulang na batang lalaki na taga Barangay del Rosario ang naitala.
May dalawa ring senior citizens na parehong may mild symptoms na taga Barangay Concepcion PequeñA, 70-taong gulang na lola at isang 62-taong gulang na lola rin na naninirahan sa Barangay Peñafrancia.
Sa panayam ng Brigada News FM kay Cararayan Punong Barangay Rodrigo Agravante Jr. sinabi nitong baka hindi matuloy pa ang limited face-to-face classes sa ilang mga paaralang pampubliko sa sakop niyang barangay dahil sa ganitong sitwasyon.
Nakakalungkot anya, dahil sa may mga paghahanda na silang ginawa sa barangay council, pati na rin ang mga teachers at mga magulang.
Sa Barangay Cararayan,may dalawa ring bagong nag positibo sa virus, mag-ina ang mga ito at kasalukuyang nasa isolation facilty na.