Iba’t- ibang imahe ng mga santo tampok sa Parish Lenten Exhibit sa Paroquia De San Juan Bautista sa Daet

CAMARINES NORTE- Pormal nang binuksan noong Biyernes ng gabi ang Parish Lenten Exhibit sa Quadricentenial Hall ng Paroquia De San Juan Bautista sa bayan ng Daet.

Ang blessing ay pinangunahan ni Father Ronald Anthony Timoner, Kura Paroko at Vicar General ng Diocese of Daet kasama ang mga katuwang na pari ng naturang parokya na dinaluhan naman ng mga deboto.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagkaroon ng Parish Lenten Exhibit sa naturang parokya na sinimulan noong nakaraang taon.

Bukas ito araw- araw mula alas 9 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ayon kay Fr. Timoner, wala munang tradisyunal na Holy Week Procession ngayong taon dahil pa rin sa banta ng COVID- 19.

Pero kahit walang prusisyon ay pwede pa ring masilayan at malapitan ang iba’t- ibang imahe ng mga santo sa iisang lugar.

Hinihimok naman ang mga deboto na magtutungo sa exhibit na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.

Ayon pa kay Timoner, tuloy- tuloy lang ang pagpasok sa hall kahit nililimitahan ang bilang ng mga tao at bawal umanong tumambay ng matagal sa loob.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Iba’t- ibang imahe ng santo na may kinalaman sa buhay at public ministry ni Hesus ang matutunghayan sa exhibit.

Tatagal naman ito hanggang Abril 16 o sa Sabado de Gloria.

Hinimok naman ni Bishop Rex Andrew Alarcon ang iba pang parokya na magkaroon din ng exhibit.

Ang mga mayroon namang imahe ng santo sa bahay at may espasyo ay pwede rin umano itong gawin.

“Maglagay ng areas where they could maaari nilang ilagay yung mga santo o santa para it’s kind of parang exhibit just to remind us of this, napakahalaga naman po yun,” ani Alarcon.