Iba’t-ibang bayan sa camarines Sur, nagdidiwang ng ka-fiestahan ni San Juan Bautista; basaan, muling nasilayan

NAGA CITY – Muling nasilayan ang basaan sa iba’t-ibang bayan sa Camarines Sur na nagdiriwang ng ka-fiestahan ni San Juan Bautista.

Sa Sipocot Camarines Sur, dinaluhan ng mga empleyado at residente ang tradisyonal na basaan, kung saan linahukan ito ng ilang truck ng Bureau of Fire Protection kaninang umaga.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Pinangunahan naman ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rolando J. Tria Tirona, OCD, DD ang misa sa St. John the Baptist Church sa Goa, Camarines Sur kaninang umaga, kung saan binigyang diin ng Arsobispo na si San Juan ay isa sa pinaka-importanteng haligi ng simbahan sa plan of Salvation.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ibinahagi din nito na ang pagiging matuwid sa pananampalataya ay ang aral na nais na iparating ni San Juan.

Samantala, kahapon nagkaroon din ng basaan sa Goa, Camarines Sur na isinagawa ng mga kabataan, habang isang Fluvial Procession naman ang isinagawa sa Brgy. Sabang, Calabanga na linahukan ng mga residente.