Araw ng pagbubukas ng klase sa School Year 2023-2024, posible pang mabago — DepEd Koronadal

KORONADAL CITY- ITINAKDA sa Agosto 28, 2023 ang pagbubukas ng klase para sa mga pampubliko na mga paaralan sa bansa para sa School Year 2023-2024.

Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent Miguel P. Fillalan, Jr., ng DepEd Koronadal City Division sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal, ngunit hinihintay pa ang opisyal na komunikasyon mula sa DepEd Central Office kaugnay sa final-date ng abre klase ngayong taon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon kay Fillalan, sa oras na hindi ma-amyendahan ang DepEd Order No. 24 series of 2023, Agosto 28, 2023 na ang magiging opisyal na unang araw ng klase para sa School Year 2023-2024.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Inihayag ni Fillalan, na hintayin lamang ang opisyal na pronouncement mula sa DepEd Central Office dahil ito na lamang umano ang kanilang hinihintay upang mapag-aralan at mapagdesisyunan na ang susunod na hakbang at aktibidad na gagawin sa school year na ito.