Iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, binaha dahil sa matinding pag-ulan

Binaha ang iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, kabilang na ang kahabaan ng EDSA dahil sa mga pag-ulang naranasna ngayong araw.

Sa retratong pi-nost ng MMDA – makikita ang build-up ng mga sasakyan sa EDSA sa may bahagi ng Kampo Aguinaldo matapos hindi makaraan ang mga light vehicles dahil sa abot-tuhod na tubig-baha.

Maliban pa rito, ini-ulat ding ng MMDA ang pagbaha sa iba pang bahagi ng EDSA, kabilang na ang lagpas-gutter na baha sa Balintawak, lagpas-tuhod na baha sa Main Avenue, southbound ng Panay Avenue; at ang northbound and southbound lanes ng Kamuning.

Baha rin ang naranasan sa Maynila, kabilanng na ang kahabaan ng España at sa Abad Santos Avenue.