Korte Suprema, pinabulaanan ang mga kumakalat na balitang gagamit sila ng AI para sa sorting at checking ng 2023 Bar Exams

Pinabulaanan at kinokondena ng Korte Suprema ang mga kumakalat na impormasyon sa social media na gagamit sila ng artificial intelligence para sa sorting at checking ng 2023 Bar examinations

Sa isang pahayag, nilinaw ni 2023 Bar Examinations Chair Associate Justice Ramon Paul Hernando, na ang mga subjects ng eksaminasyon ay susuriin ng apat na expert examiners.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial

Nagmula umano ang sirkulasyon ng maling impormasyon sa isang facebook group na “Bar Law for Dummies Training Program” at isang fb account na may pangalang “Tzidkenu Dizon.”

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Mariing kinondena ng Office of the Bar Chair ang hakbang at inilarawan ito bilang false, baseless at irresponsible.

Sinabi nito na ang disinformation ay malinaw na layunin siraan ang integridad ng digitalized Bar examinations.