Volcanic Smog, bahagyan nang bumaba; Naitalang health related incident patuloy na kino-consolidate ng PDRRMO Batangas

Bahagya nang bumaba ang dami ng ibinubugang volcanic smog ng Bulkang Taal sa Batangas ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Sa panayam ng Brigada News FM kay Dr. Amor Calayan, Chief ng Batangas PDRRMO sinabi nito na dire-diretso pa rin ang kanilang monitoring sa mga apektadong bayan na malapit sa Taal gayundin sa mga Brgy na sakop dito.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Inisa-isa naman ni Dr. Calayan ang mga naitalang health related incident lalo na sa mga ekwelahan na una ng napabalitang maraming estudyante na naisugod sa ospital.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Dagdag pa rito ang dalwang kaso ng fatigue, 66 na sore eye, 23 na fever at 29 na asthma.

Nanawagan naman ang chief ng PDRRMO sa mamamayan ng ibayong pag-iingat at pag-aalaga sa kalusugan ng hiindi na dumami pa ang health related case na idinudulot ng vog.