Iba pang suspek sa BDO hacking incident, tinutugis na ng NBI

Matapos masakote ang limang suspek sa likod ng ‘Mark Nagoyo’ BDO hacking incident, kinumpirma ng National Bureau of Investigation na tinutugis na rin nila ang iba pang suspek na kasabwat ng grupo.

Ayon kay NBI cybercrime division head Victor Lorenzo batid na nila ang pagkakakilanlan ng iba pang mga suspek.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ibinunyag din ni Lorenzo na balak ulit ng mga hacker na makapang-biktima kung saan target naman nito ang isang kumpanya ng banko.

Agad naman umano nilang nasabihan ang banko sa planong ito ng mga kawatan.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Kumpiyansa si Lorenzo na mahuhuli din nila sa lalong madaling panahon ang iba pang sangkot sa BDO hacking incident lalo’t may hinahawakan na silang pangalan ng mga ito.

Nabatid na unang naaresto ng NBI ang limang suspek kabilang na ang dalawang nigerian national sa isang entrapment operation sa Mabalacat City, Pampanga noong Enero 18.