Posibleng mabaliktad o ma-reverse ang downward trend ng mga kaso ng COVID-19 sa National Capital Region.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David ito ay kung magpapabaya at mapapaka-kampante ang publiko sa laban kontra corona virus disease.

Nilinaw ni David na ‘pababa pa lang’ ang mga kaso sa NCR at magkaiba umano ito sa salitang ‘mababa na’.
Subalit posible umanong bumalik pataas ang bilang ng COVID-19 cases kung hindi susunod ang mga tao sa mga hakbang at protocols para labanan ang pagkalat ng sakit.
Binigyan diin naman ni David na bagama’t patuloy ang pagbaab ng mga kaso sa Metro Manila maraming mga lungsod at probinsiya naman sa bansa ang patuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.