LTFRB – tukoy na ang MANIBELA member nasa likod ng umano’y panununtok sa isang reporter

Kinondena ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang umano’y panununtok ng miyembro ng MANIBELA sa reporter na si Val Gonzales.

Ayon kay LTFRB Chairman Asec. Guadiz, na-identify na nila ang sinasabing nanakit sa mamamahayag.

Dagdag pa ni Guadiz, hindi lahat ng nasa likod ng insidente ay operators at drivers.

Nakuha na umano nila ang mga pictures ng mga ito.

Dahil natukoy na aniya nila ang mga nanakit sa reporter, gagawa sila ng inisyal na aksyon para maghain ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *