LEGAZPI-Umabot na sa humigit kumulang 42 na libo na mga albayano ang nakapagparehistro para sa paparating na barangay and SK eleksyon sa buwan ng Desyembre.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty Maria Bunao, nasa 41,701 na mga albayanos ang nakapagparehistro na hanggang kahapon.
Sa datus ng Commission on Election Albay, 11,309 dito ang mula sa unang distrito ng Albay ang naiproseso na, , 12,048 mula sa Segundo ikalawang distrito at 18,344 mulang third district ng lalawigan.
Sa nasabi umanong bilang, nasa 27,285 rito ang mga kabataan.
Ngayong araw naman ang huling voters registration at patuloy itong isasagawa sa mga satellite areas na tinalaga ng tanggapan.
Hanggad pa rin ng Comelec and malinis at maayos na eleksyon at pagtatalaga ng karapat dapat na lider sa barangay.