1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Puerto Princesa

Patay ang isang HUYNH CONG NGON, 42 anyos, Vietnamese na driver habang sugatan ang angkas nito matapos na mabangga ng isang van ang kanilang motorsiklo sa Puerto Princesa National Highway.

Ayon sa ulat ng Puerto Princesa City Police, bandang alas-kwatro ng hapon nitong Biyernes, July 22, 2022 nangyari ang aksidente sa Purok Asinan Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Read More:  Four BIFF Karialan faction members return to government in Maguindanao del Sur

Minamaneho ng biktima ang isang Honda Wave 125 at angkas niya si NGUYEN YAN THIEN, 46 anyos nakatira sa New Buncag, Brgy. Mandaragat.

Sa imbestigasyon ng PNP, bago ang trahedya, binabaybay ng mga biktima ang Highway habang nasa outerlane sa katamtamang bilis at kasunod nito ang Nissan Urvan VX Van na minamaneho ni JEFF HART ROME ABELA INOFERIO, 35 anyos.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Dahil umano sa bilis ng patakbo ng driver ng van ay nabangga nito ang motorsiklo ng mga biktima.

Samantala, pinagtulungan ng mga tao na hilain mula sa ilalim ng van ang naipit na driver at ang motorsiklo kahapon.