Human Rabies wala pang naitatala sa Naga, sa kabila ng mataas na bilang ng mga nahuhuling asong-gala araw-araw – City Veterinary Office

NAGA CITY – Nananatiling zero human rabies ang Naga City batay sa talaan ng City Veterinary Office sa kabila ng maraming mga asong-gala ang nahuhuli na umaabot sa 30 araw-araw kaugnay sa regular na dog impounding activities sa mga barangay ng lungsod.

Kinumpirma ito ni Josielyn Niangar, ang Admin Aide 1 ng CVO, na ayon sa kanya ay dahil sa nababakunahan kaagad ang biktima ng dog-biting laban sa rabies at ang aso naman ay kompleto sa vaccination kaya hindi na makamandag ang kagat nito.

Sa pakikipag-usap niya sa Brigada News FM Naga, sinabi niya may mga barangay sa lungsod ang may sariling impounding activity tulad ng Concepcion Pequeña na kung saan ang mga nahuhuling asong-gala ay dinadala lang naman sa kanilang opisina at hihintayin ang may-ari at kung hindi na ito kunin ay isasalilam na ang aso sa euthanasia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *