Lalaking wanted, huli sa Candelaria, Quezon

Huli ang isang lalaking wanted matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Sta. Catalina Sur, Candelaria, Quezon nitong Huwebes, Abril 11.

Ayon sa report, bandang alas-6;30 ng gabi nang madakip ang akusadong si alyas “Aris”, 39-anyos, at may kinakaharap na kasong paglabag sa R.A. 9287 o Anti-illegal gambling act.

Samantala, nagkakahalaga namang ₱80,000 ang inirerekomendang piyansa para sa akusado na ngayon ay nasa kustodiya ng awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *