HPG, nanindigang mali na ginagawang pampasahero ang mga pribadong sasakyan na namayagpag simula noong magkaroon ng pandemya

Nanindigan ang Highway Patrol Group na mali na gawing pampasahero ang mga pribadong sasakyan na namayagpag simula noong magkaroon ng pandemya.

Dahil kasi hindi agad pinayagan ang public transport lalo na ang mga pampasaherong  bus na bumiyahe patungong Metro Manila ay napilitan ang mga tao na tangkilikin ang mga pribadong van na mas mahal ang bayad.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni PMAJ Joselito Quila HPG Provincial Officer ng Camarines Norte na hindi talaga dapat ginagawang pampasahero ang mga pribadong sasakyan dahil wala naman aniya itong prangkisa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Gayunman, aminado si Quila na tali ang kamay ng HPG dahil sa umiiral na Joint Administrative Order  (JAO) kung saan pwede lang umano silang maglunsad ng anti colurum operation sa mga namamasadang pribadong van kapag kasama ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kaya ang nangyayari na lamang aniya kapag nakakahuli ay yung ibang violation lang ang pwedeng isyuhan ng ticket.

May mga pagkakataon na rin umanong nati- teknikal ang anti colurum operation kung walang kasamang ibang ahensiya susog sa JAO.

Kaya naman may mensahe ang opisyal sa mga patuloy pa ring nagpapasadang colurum lalo pa ngayong pinayagan na rin ang limitadong biyahe ng mga bus.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Higit umanong kawawa ang mga mananakay sakali man na magkaroon ng aksidente dahil colurum at walang prangkisa ang nasakyan nito.

“Meron ho tayong action diyan, in fact meron ho tayong tao sa Tabugon kaya nga lang po ang Highway patrol namin sa Tabugon, pigil din po ang kanilang kamay dahil pagka anti- colurom operation po, meron tayong tinatawag na Joint Administrative Order dapat kami po ay may kasamang LTO at LTFRB para manghuhuli ng colurum,” ani Quila