HPG muling nagpaalala sa mga pampublikong sasakyan na ipatupad ang social distancing sa gitna ng banta ng Omicron COVID- 19 variant

CAMARINES NORTE- Muling nagpaalala ang PNP Highway Patrol Group sa mga pampublikong transportasyon na palagiang sundin ang health protocols sa gitna ng banta ng Omicron COVID- 19 variant.

Ayon kay Police Major Joselito Quila, Deputy Regional Chief at Provincial Officer ng HPG Camarines Norte importante ang pagsunod sa health protocols kahit pa niluwagan na ang seating capacity ng mga sasakyan.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Ayon kay Quila, palagian silang nagbibigay ng paalala sa tuwing magkakaroon ng pagbisita sa mga terminal at may mga pagkakataon din aniyang nag iisyu sila ng violation ticket.

Batay sa datos ng Department of Health mayroon nang dalawang kaso ng Omicron variant sa rehiyon na mula sa Camarines Sur.

Samantala, inasahan na umano ng HPG na magkakaroon talaga ng pagdagsa ng mga tao ngayong taon dahil sa niluwagang restriction kumpara noong nakaraang taon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kaya naman naging bahagi na umano ng kanilang aktibidad ang pagbisita sa mga terminal upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat.

Taon- taon umano ay mayroon silang nakalatag na aktibidad lalo na kapag ganitong sumasapit ang holiday season.