Dalawa katao nabiktima ng paputok sa pagsalubong sa bagong taon sa lalawigan ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng dalawang firecracker related injury sa lalawigan ng Camarines Norte sa pagsalubong sa Bagong Taon 2022.

Sa impormasyon mula sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) dalawa ang naitalang firecracker related injury dahil sa kwitis na nangyari sa mismong araw ng Bagong Taon.

Isang 45 anyos na lalaki mula sa bayan ng Labo ang nagtamo ng injury sa kaliwang mata na nagpakunsulta sa CNPH dakong alas 3:06 ng umaga at isang 52 anyos na lalaki mula naman sa bayan ng Talisay ang nagtamo ng second degree burn sa kaliwang kamay na nagpakunsulta naman dakong alas 4: 25 ng umaga.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mas mataas ang naitalang firecracker related injury sa pagsalubong ng Bagong Taon 2022 kumpara sa isang kaso lang noong nakaraang taon kung saan isang 17 anyos ang nadali rin ng kwitis.

Magtatapos ang monitoring ng Provincial Health Office (PHO) at ng Department of Health sa paputok sa Enero 6.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Mababatid na maigting ang kampanya ng gobyerno kontra ilegal na paputok upang maiwasan sana ang disgrasya.

Pero kung ikukumpara noong mga nagdaang taon bago ang pandemya ay kapansin- pansin na hindi gaanong marami ang gumamit ng paputok sa pagsalubong ngayon sa bagong taon.