House, target i-require ang fully vaccination vs COVID-19 sa personal na dadalo sa SONA ni Duterte

Target ng Kamara na i-require ang full-vaccination laban sa COVID-19 para sa mga indibidwal na personal na dadalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na buwan.

Giit ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, sa panahon namang iyon, tiyak umanong karamihan ay fully-vaccinated na.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Dagdag ni Mendoza, ang parehong kapalungan ng Kongreso ay regular na nakikipag-coordinate sa Malacañang, kauganay sa arrangements para sa final SONA ni Duterte.

Sinabi rin ng House Secretary General na posibleng payagan na ang maraming attendees na papasok sa Batasang Pambansa sa 150 hanggang 200 guests, kumpara noong nakaraang linggo.

Read More:  Bondoc slams NBI labeling of Sen. Bato as ‘armed and dangerous’

Sa kabila nito, ang huling desisyon ay nakasalalay pa sa Malacañang at sa protocols na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. // MHEL PACIA-TRINIDAD