Ibinahagi ng Food and Drug Administration na sa gitna ng mga ulat na may mga health workers sa Indonesia na nahawa ng COVID-19, matapos mabakunahan ng CoronaVac, ang pagbabakuna gamit ang bakuna na gawa ng China firm Sinovac ay nagpipigil sa COVID-19 hospitalization at deaths sa Pilipinas.
Mababatid na batay sa ulat, 350 na mga health workers sa Indonesia na nabakunahan ng Sinovac vaccine ay nahawa parin sa naturang virus at marami sa mga ito ang na-ospital.
Pero ayon kay FDA Dir. Eric Domingo, sa kanilang patuloy na monitoring ng vaccinations sa Pilipinas, naitala lang nila ang mild symptoms ng COVID-19, matapos makatanggap ng Sinovac jabs.
Paliwanag ni Dominggo, sa kabila na nabakunahan na ang mga ito, wala paring 100% protection, kung saan ang iba ay posibleng paring makakuha ng severe COVID, lalo pag sa unang dose palang.
Pero sa oras na umabot na ng 14 na araw matapos ang second dose, sa kabila na mayroong iilan na nagkakaroon ng COVID ay mild cases na lang ang mga ito ay wala nang nao-ospital, at wala nang namamatay.
Una nang tiniyak ng Department of Health sa publiko na ang mga bakuna ay nananatiling epektibo, pero hindi maiiwasan na may ilang “breakthrough infections” ng COVID-19 matapos ang inoculation. // MHEL PACIA-TRINIDAD