Kaso vs guro na nag-alok ng pabuya para sa makakapatay kay Duterte, ibinasura

Muling naibasura ng prosecutor sa Zambales ang apela ng National Bureau of Investigation (NBI) na irekonsidera ang pagbabasura sa criminal complaint laban sa isang guro na nag-alok ng pabuya para sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y matapos katigan ni acting Provincial Prosecutor Leonardo Santos ang kanyang desisyon na ibasura ang reklamo na inciting to sedition laban kay Ronnel Mas, dahil sa kakulangan ng probable cause.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Si Mas ay inaresto nang walang warrant noong May 2020, kaugnay sa kanyang Twitter post na umano’y nag-aalok ng P50 million sa sinumang handang mag-assassinate kay Duterte.

Matatandaan na ibinasura ng Olongapo City court ang criminal charges dahil ang pag-aresto umano ay invalid, pero muling inihain ng NBI ang reklamo sa prosecutor’s office, na naibasura naman noong Pebrero.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dahil dito, naghain ang NBI ng motion for reconsideration at iprenesenta sa prosecutor ang CD na naglalaman ng video ng umano’y pag-amin ni Mas.

Pero batay sa jurisprudence, binigyang diin ni Santos na ang introduction ng bagong ebidensya ay improper. // MHEL PACIA-TRINIDAD