Dineklara ng House of Representatives na handa na ito para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos mamaya sa Batasang Pambansa.
Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, magsisimula ang Second Regular Session ng 19th Congress ng ala-10 ng umaga, bilang tradisyon ayon sa 1987 Constitution.
Inaasahan dito ang talumpati ni House Speaker Martin Romualdes bilang pag-welcome sa mga dumalo at ihayag ang mga nagawa ng Kamara matapos ang First Regular Session.
Ang mga nabigyan lamang ng SONA invitations at seat cards ang maaring makapasok sa Plenary Hall, na inaasahang isasara nang alas-3 ng hapon.
Isasarado naman ang complex gates ng alas-3 o pagkadating ng pangulo at magpapataw ng isang kilometrong radius na No Fly Zone sa area mula 1:00 PM hanggang 7:00 PM.
