Filipinas, pinabilib ang Swiss Coach sa FIFA World Cup

Bigo ang Filipinas team sa kanilang kauna-unahang laro sa FIFA Women’s World Cup laban sa Switzerland na may final score na 2-0.

Ngunit sa kabila nito, nagpaabot ng suporta ang Switzerland Coach na si Inka Grings dahil bumilib ito sa laban ng dalawang team para irepresenta ang bansa.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa coach, walang rason para hindi ipagmalaki ng buong team ang kanilang performance sa kabila ng pagkatalo.

Dagdag pa nito, hindi niya naisip na magiging madali ang laban sa Pilipinas kahit na 46th ang ranking nito sa buong mundo dahil mataas ang pressure sa naturang laro.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Ayon naman kay Philippine Coach Alen Stajcic, pinuri niya rin ang Team Filipinas at kumpyansa ito sa pangalawang World Cup match laban sa co-host na New Zealand sa Martes.