Nagdesisyon si Kapuso actress Barbie Forteza na dumalo sa GMA Gala 2023 nang walang date. Ngunit bakit?
Ayon sa Twitter post ni Barbie, sinagot niya ang mga fans sa pamamagitan ng kanta ni Taylor Swift na “Bejeweled”, na may lyrics na “What’s a girl to do? A diamond’s gotta shine.”
Bago pa ang naturang event, palaisipan sa mga supporters nito kung sino ang magiging date ng Kapuso actress, kung ang ka-loveteam nitong si David Licauco o ang kanyang longtime boyfriend na si Jak Roberto.
Maalalang hindi ito kinumpirma ng aktres dahil nagpapagaling pa ito noon sa kanyang sakit.
Isa si Barbie sa pinarangalan sa GMA Gala Event matapos hiranging “Radiant Beauty of the Night.”
