Ipinag-utos ni Pangulong Bongbong Marcos ang re-organization ng Inter-agency task force on zero hunger.
Sa inilabas na Executive Order no.66 ng Malacañang na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na tatayong Chairperson ang Secretary ng Department of Social Welfare and Development.
Co-chairperson naman ang Executive Director ng National Nutrition Council, at Vice Chairperson ang Secretary ng Department of Agriculture.
Habang mga myembro naman ang mga kalihim ng DAR, DBM, DepEd, DENR, DOH, DOLE, DILG, DTI, DOST at Presidential Communications Office.
Pinatitiyak ng Pangulo sa task-force ang maaayos na implementasyon ng mga polisiya ng pamahalaan upang makamit ang hangarin ng kanyang administrasyon na zero hunger.