Pagpapaliwanagin ng Kamara ang mga ahensya ng gobyerno sa gagawing budget briefings kaugnay sa mas mababang confidential at intelligence funds sa ilalim ng proposed national budget sa susunod na taon.
Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, bubusisiin nila ang absorptive capacity at utilization rate ng ahensya.
Mahalaga aniyang malaman kung paano ginastos ng isang ahensya ang alokasyon at kung bakit may adjustment ito sa 2025 National Expenditure Program kumpara sa kasalukuyang General Appropriations Act.
Nakasalalay din umano sa ahensya ang pagdepensa sa budget proposal at sakaling mayroon silang nais idagdag.
Giit ni Dalipe, hindi pa pinal ang budget allocation dahil maaari itong galawin ng Kongreso bilang “power of the purse”.
Ibabase umano ang amendments sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa at sa laman ng ikatlong State of the Nation Address ni Pangu