Binigyang-diin ni House Committee on Human Rights Chair Rep. Bienvenido Abante Jr. na hindi nila pipilitin si Sen. Bato Dela Rosa na umattend sa pagdinig ng komite hinggil sa war on drugs.
Ito ay matapos sabihin ni Dela Rosa na hindi siya dadalo sa pagdinig kaugnay ang issue, bilang payo ni Senate President Chiz Escudero.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Abante, sinabi nitong ang senador pa rin ang bahala kung dadalo ito o hindi sa hearing.
Kung tunay man daw ang payo ni Escudero, susulat si Abante sa senate president.
Ipakikiusap aniya na padaluhin si Dela Rosa upang marinig ang mga testimonya ng mga biktima nng drug war.
Maliban sa hindi pagdalo ni Dela Rosa, sinabi rin ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo ring pumunta si dating Pang. Rodrigo Duterte.