𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗢𝗡𝗦𝗨𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗟𝗗𝗟𝗜𝗙𝗘 𝗠𝗘𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗡𝗗𝗘𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗥 Iniimbestigahan na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources Region 2 ang kumalat na post sa social media ng umano’y pagkonsumo ng wildlife meat sa ginanap na Exotic Food Fest 2024 na bahagi ng selebrasyon ng 441st Aggao Nac Cagayan.
Hindi umano naabisuhan o nag-isyu ng anumang permit ang ahensya kung mayroon mang wildlife species na isinama sa naturang aktibidad.
Dahil dito, pinaalalahanan ng kagawaran ang publiko na anumang promosyon hinggil sa pagkonsumo ng karne ng wildlife species ay malinaw na paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagpatay sa mga wildlife species maging ang pangongolekta, panghuhuli, at pagbebenta sa mga ito.
Tiniyak naman ng DENR sa pamamagitan ng PENRO-Cagayan na mahigpit na imo-monitor, iimbestigahan at maglalatag ng karampatang legal action sa naturang pangyayari.
Hinikayat naman ang publiko na iwasang lumahok sa mga aktbidad na layuning ibida ang pagkain ng wildlife meat at anumang wildlife –related issues at illegal wildlife activity
Enter
You sent
