Change of command sa incoming at outcoming commander ng 5th ID, isasagawa bukas

𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗖𝗢𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗢𝗨𝗧𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗔𝗡𝗗𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝟱𝗧𝗛 𝗜𝗗, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 Nakatakdang isagawa bukas ang change of command sa outgoing at incoming commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na naka-base sa Camp Melchor Dela Cruz Upi Gamu, Isabela.

Base sa napag alamang impormasyon ng Brigada News team, papalitan ni BGen. Gulliver Lapitan Señires si Mgen Audrey Pasia.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Nagsilbi si MGen Pasia bilang pinuno ng dibisyon noong September 5, 2022 una itong nagsilbi bilang infantry platoon leader ng 2nd infantry division matapos itong makapagtapos sa Philippine Military Academy noong February 18,1990.

Samantala, si Bgen Senires ay nagtapos sa PMA Tanglaw Diwa Class 92 at ang kasalukuyang Commander ng 702nd infantry Defender Brigade ng 7th Infantry Division na naka-base sa Central Luzon.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Isasagawa mamayang hapon ang testimonial parade sa 5th ID Grand Stand at pangungunahan naman ang change of command ni LtGen. Roy Galido, Commanding General Philippine Army.