Hotlines laging bukas- CASURECO II

NAGA CITY –Nananatiling bukas sa loob ng 24 oras ang mga hotlines ng CASURECO II para tanggapin ang anumang tawag mula sa mga members consumers.

Ito ang muli na namang  tiniyak ni Rinner Bucay, Spokersperson ng kooperatiba  kaugnay ng mga tawag tuwing nagkakaroon ng power interruptions. Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Bucay, sinabi nitong handa nilang tanggapin ang mga tawag sa telepono at maging sa cellphones subalit nagkakaroon lamang daw ng problema kung nagsasabay sabay dahil hindi nila kayang sagutin lahat ang mga ito.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Mula umaga hanggang gabi, may mga lugar sa Camarines Sur ang patuloy pa ring nakakaranas ng biglaang pagkakawala ng supply ng kuryente dahil nasa Yellow at Red Alert ang Luzon Grid ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).