Dormitoryo para sa mga empleyado ng mga locator Sa Subic Freeport, uumpisahan nang ipagawa ngayong taon

Sisikapin ng Subic Bay Metropolitan Authority na masimulan ngayong taon ang renovation sa ilang mga gusali sa Subic Freeport.

Ito ay ang mga pasilidad na naiwang bakante ng mga dating locator at ngayon ay pag-aari na ng SBMA.

Read More:  Police hunt hit-and-run driver after child injured in Lapu-Lapu City

Ayon kay SBMA Deputy Administrator Armie Llamas, gagawing mga dormitoryo ang mga ito para sa mga empleyado ng mga pabrika at iba pang manggagawa ng mga locator.

Matatandaan, isa sa mga plinano ni SBMA Chairman Administrator Ed Aliňo na bigyan ng matutuluyan sa SBFZ ang mga wala nang naiuuwing kita dahil sa gastos sa pamasahe araw-araw.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Tinatayang nasa 1,700 pesos ang magiging buwanang renta sa bawat unit na kasya ang apat na katao.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO